Posted by Lawrence Corpuz on Saturday, June 25, 2011
Under: Poem
Sa gabi na walang
tala.
Sa panahong
mapanglaw.
Mga pusong di
naawa.
Mga hinimok na
pananalanta.
Sa bingit ng basag
na salamin,
nabubulok na
kahoy,
nalalantang bukid,
nagbabadyang
alanganin,
kasiguraduhan ng
hamak,
kaisahan,
kawalan ng
nagmamahalan.
Sa kawalan ng
sinagtala,
sikat ng araw,
at kung kailang
dapit hapon
at takipsilim ang
nangingibabaw.
Heto’t payabungin
ang baga,
ang liwanang ng
kandila
Kailan Man Hindi
ako Mawawala.
…
In : Poem